Friday, May 3, 2024

Bilang ng kaso ng COVID-19 sa QC mahigit 1,000 na

- Advertisement -

Sumampa na sa mahigit 1,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Quezon.

Batay sa pinakahuling ulat ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon, nasa 1,312 na ang kaso ng COVID-19 sa buong Quezon City.

Gayunman, patuloy rin namang nadaragdagan ang bilang ng mga nakarerekober sa sakit matapos na maitala ang 13 bilang ng mga nakarekober, kahapon.

Dahil dito nasa 242 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Samantala, nananatili naman sa 129 ang mga nasawi sa COVID-19 mula sa Quezon City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img