Saturday, May 4, 2024

Bilang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 pumalo na sa 5

- Advertisement -

Umakyat na sa lima ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Tinukoy ng Department of Healt  (DOH)  ang tatlo pang mga nasawing pasyente ng COVID-19 na sina patient 5, 6 at 37.

Si patient 5 ang 62 anyos na lalaking madalas magtungo ng muslim prayer hall sa Greenhills at walang history ng pagbiyahe sa labas ng bansa.

Ito rin ang unang kaso ng local transmission sa bansa at mayroong diabetes, hypertension at acute kidney injury.

Si patient 6 ang asawa ni patient 5 na nahawaan nito.

Habang si patient 37 ang 88 anyos na babae na naka-admit sa philippine heart center.

Pawang acute respiratory illnes ang ikinasawi ng tatlong pasyente.

Sa kabuuan, apat na mga Filipino at isang Chinese na ang mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img