28.7 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Bigtime umanong drug pusher timbog sa Makati City

- Advertisement -

Natimbog ng mga Southern Police District-Criminal Investigation and Detection Group (SPD-CIDG) ang isa umanong bigtime drug pusher sa Makati City.

Kinilala ang suspek na sina Romilo Ace Manite na naaresto sa Barangay Guadalupe Nuevo.

Narekober ng CIDG-NCR kay Manite ang ilang baril at iligal na droga.

Bagaman unang sinalakay sa bisa ng search warrant ng Taguig Regional Trial Court Branch (RTC) 163, ang condominium unit ng anak ni Manite na si Norman sa Bonifacio Global City (BGC) kahapon, nabigo naman ang mga otoridad na arestuhin ito.natagpuan naman sa condo unit ang mga hindi lisensyadong baril, bala, shabu at marijuana.

Sangkot din umano ang mag-ama sa gun running activity na kabilang sa mga narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -