Bigtime rollback sa LPG asahan sa Hunyo

0
42

Asahan na ang malakihang rollback sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng Hunyo.

Batay sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, posibleng umabot sa P6.40 ang tapyas sa kada kilo sa presyo ng LPG o katumbas ng P70.40 sa kada 11kilogram na tangke.

Ang paggalaw sa presyo ng LPG ay bunsod ng malaking pagbagsak sa imported price nito.

Posible namang magbago pa ang halaga ng rollback hanggang katapusan ng Mayo depende sa magiging final contract price ng LPG ngayong buwan.