29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Bigtime price increase sa mga produktong petrolyo asahan na ngayong huling linggo ng Hulyo

- Advertisement -

Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis matapos ang ilang linggong pagpapatupad nito ng rollback.

Ayon sa Department of Energy, maglalaro sa piso hanggang piso at limampung sentimos ang inaasahang umento sa kada litro ng gasoline.

Tinatayang maglalaro naman sa nobenta sentimos hanggang piso ang maging umento sa kada litro ng diesel habang pitumpu hanggang walumpung sentimos naman ang umento sa kada litro ng kerosene.

Dahil dito, umabot na sa walong piso at dalawampu’t pitong sentimos ang idinagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, walong piso at dalawampu’t limang sentimos naman sa kada litro ng diesel habang nasa pitong piso at walumpu’t isang sentimos naman ang presyo sa kada litro ng kerosene.

Binigyang diin ng DOE na ang panibagong dagdag presyo na ito sa mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng malikot na presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -