Biglang laki sa kita ng mga PCOO senior officials nalantad

0
52

Nalantad ang biglang laki ng kita ng mga senior officials ng PCOO o Presidential Communications Operations Office noong nakaraang taon.

Batay sa kanilang SALN o Statement of Assets Liabilities and Networth noong 2018, tumaas ng halos 85 porsyento ang kinita ni PCOO Undersecretary Loraine Badoy.

Batay sa datos, nasa 2.55 million ang halaga ng ari arian ni Badoy noong 2017, mababa kumpara sa kasalukyang 4.75 million noong 2018.

Halos 26 na porsyento namang mas mataas ang halaga ng yaman ni PCOO Undersecretary Feducia Mia Lucas na may 3.55 million noong 2017 sa 4.46 million noong 2018.

Nasa 3.59 naman ang iniulat na yaman ni Undersecretary Marvin Gatpayat noong 2017 samantalang pumalo na sa mahigit apat na milyon noong 2018.

Samantala, umabot naman sa 160.49 million ang idineklarang yaman ni PCOO Secretary Martin Andanar noong nakaraang taon, mas mataas ng isang porsyento sa 158.8 million noong 2017.