Friday, May 3, 2024

Big time oil price rollback ipapatupad ngayong linggo

- Advertisement -

Inaasahang magpapatupad muli ng panibagong big time roll back sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Batay sa pagtaya ng independent oil player na Unioil, maglalaro sa dalawang piso (P2.00) hanggang dalawa piso at diyes sentimos (P2.17) ang magiging kaltas sa kada litro ng diesel.

Dalawang piso at bente sentimos (P2.20) hanggang dalawang piso at trenta sentimos (P2.30) naman ang posibleng mabawas sa kada litro ng gasolina.

Sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), naglalaro na sa kuwarentay tres at singkwenta’y singko sentimos (P43.55) hanggang kuwarenta’y otso at sitenta’y nuwebe sentimos (P48.79) ang kada litro ng diesel habang kuwarenta’y otso at sitentay singko sentimos (P48.75) hanggang singkwenta’y nuwebe at siyete sentimos (P59.07) ang kada litro ng gasolina.

Ito na ang ika-limang sunod na linggo magpapatupad ng tapiyas presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img