Bidding sa pag-imprenta ng BOL primers binuksan na ng COMELEC

0
55

Gumulong na ang bidding ng Comission on Elections (COMELEC) para sa pagpapa-imprenta ng halos isang milyong primer kaugnay sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Halos P36 million ang pondong inilaan ng comelec para sa printing ng BOL primer na nagkakahalaga ng P36 kada piraso.

Ang mga naturang primer ay i-dedeliver sa lahat ng mga tanggapan ng election officer ng mga lokal na pamahalaan na isinusulong na sakupin ang bangsamoro autonomous region na ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nakasaad sa invitation to bid ang deadline na December 10 para maisumite ng mga interesadong bidder ang bidding document na kanilang babayaran ng P25,000.

Ang lahat ng mga bid ay bubuksan sa December 10 din.