Bicam bigo pang maisapinal ang panukalang BBL

0
61

Bigong maisapinal ng Bicameral Conference Committee ang bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL kahapon.

Ito ay sa kabila ng maghapong pagpupulong ng Bicam sa isang hotel sa Mandaluyong City upang pag-usapan ang mga probisyon na unang hindi napagkasunduan.

Kabilang sa pulong ang miyembro ng Bangsamoro Transition Commission at liderato ng Moro Islamic Liberation Front para tutukan ang pagtalakay sa BBL.

Una rito, sinabi ni Senador Juan Miguel Zubiri na posibleng maaprubahan na ito kahapon bago mag-alas-3:00 ng hapon.


Samantala, naniniwala naman si Senate Majority Leader President Juan Miguel Zubiri na malaki ang maitutulong ng Bangsamoro Basic Law sa pagsawata ng ginagawang recruitment ng ISIS at iba pang teroristang grupo sa Mindanao.

Ayon kay Zubiri, bahagi ng panukalang BBL ang pagbibigay ng panibagong pagkakataon upang makapagsimulang maghanap buhay ang mga Moro.

Dahil dito, sinabi ng senador na hindi na nila gugustuhin pang may muling manggulo sa kanilang pamumuhay sa Mindanao.

Mismong mga imam at mga lider pa ng Moro ang pipigil sa sinumang nais sumapi sa mga teroristang grupo.

—-