BI iimbestigahan ang isiniwalat ni Lacson hinggil sa isang Chinese national

0
46

Iimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng umano’y isang Chinese national na nasa watchlist ng interpol na nagagawang maglabas-pasok lamang sa bansa.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, agad na ipinagutos ni Commissioner Jaime Morente ang pagsasagawa ng imbestigasyon matapos mapag-alaman ang kaso ng Chinese national na si Jacky Co.

Nakikipag-uganyan na rin aniya sila sa tanggapan ni Lacson para kumuha ng impormasyon lalu’t wala naman aniyang lumalabas na interpol hit o travel record si Co.

Magugunitang sa privilege speech ni Lacson kahapon, kinuwestiyon nito kung papaanong nakakalusot ng bansa si Jacky Co o may tunay na pangalan na Zhijian Xu sa kabila ng pagkakabilang nito sa interpol watchlist.

Iniuugnay rin ni Lacson si Co sa mahigit isang bilyong pisong halaga ng shabu na nasabat sa Manila International Container Port (MICP) noong Marso 22.

—–