BI dumipensa kaugnay sa paglabas ng bansa ni Jacky Co

0
56

Dumipensa ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa paglabas ng bansa ng Chinese national na si Jacky Co na umano’y nasa likod ng shabu smuggling.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, hindi nila pwedeng harangin o pigilan ang pag-alis ni Co.

Ito aniya ay dahil wala si co sa watchlist ng immigration o listahan ng mga taong may hold departure order.

Una nang sinabi ng ahensya na base sa inisyal na imbestigasyon, walang interpol at travel records na match sa impormasyon na ibinunyag ni Lacson.

Magugunitang kinuwestiyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang paglabas masok umano ni Co sa bansa.

—–