BI binuo ang isang medical task group para tumulong sa frontline officers

0
47

Isang medical task group ang binuo ng Bureau of Immigration (BI) para tumulong sa frontline officers ng ahensya sa mga paliparan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inatasan na niya ang labing walong immigration officers na pawang registered nurses na bumuo ng medical team na mangunguna sa laban ng BI kontra COVID-19 sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) .

Ang medical team aniya ay magre report sa medical section ng BI at nakahandang rumesponde sa anumang sitwasyon na kailanganin nila.

Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina na hahatiin ang mga miyembro ng medical team sa ibat ibang shifts sa NAIA.