Radio Philippines Network
DXDX GenSan News Provincial News

BFP GenSan, Nangangailangan Ng Dagdag Na Kagamitan

Inamin ni General Santos City Fire Marshal, Chief Inspector Reginald Legaste sa community media ng GenSan na nangangailangan ng dagdag na mga kagamitan ang Bureau of Fire Protection ng GenSan.

Binubuo diumano ang isang fire station ng mga fire truck, safety gear, fire fighting tools at rescue tools na gamut sa mga operasyon ng bureau.

Kasalukuyang naghihiram ang BFP GenSan ng gamit ng National Risk Reduction Management Council tuwing rumeresponde sa sunog.

Kailangan din diumano ng BFP ng karagdagang fire truck sa pagresponde sa sunog dahil sa laki ng Austrian fire truck na gamit sa kasalukuyan at nahihirapan silang makapasok sa mga maliliit na eskinita.

Nilinaw rin ni Legaste na malaki ang natutulong ng pondong ibinibigay ng LGU GenSan para maipagpatuloy ang operasyon ng Bureau of Fire Protection.

Related posts

Bag-Ong Airport Terminal Ug Runway Extension Sa Bantayan Island Hapit Na Mahuman

RPN

Construction Worker Held For Crime Of Murder At Purok Bangus, Brgy. White Beach, Pagadian City

RPN

The Provincial Government Of Surigao Del Norte Will Once Again Spearhead The Annual Celebration Of Adlaw Nan Probinsya Nan Surigao

RPN