33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

BFAR Bicol, nagkaloob ng higit P2M halaga ng mga kagamitan para sa mga mangingisda

- Advertisement -

Ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang higit sa dalawang milyong pisong halaga ng mga kagamitan bilang suporta ng gobyerno sa mga komunidad ng mga mangingisda sa rehiyon ng Bicol para sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre.

Mga bakawan propagules at feeds para sa mga palaisdaan sa rehiyon. Ito ay sa ilalim ng kanilang programang Special Area for Agricultural Development.

Umabot sa dalawampu’t isang fiberglass canoe-type boat na may mga sagwan ang ibinigay sa Poblacion Fisherfolk Association sa bayan ng Barcelona, Sorsogon, at apat na toneladang seaweed propagules naman para sa Biong Aqua Marine Fisherfolk Association sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes.

Gayundin, karagdagang feeds naman para sa tilapia ang ipinagkaloob sa mga mangingisda sa Goa, Camarines Sur na nagkakahalaga ng higit sa 890,000 pesos samantalang 32 units ng marine engines ang iginawad ng Dapdap Sabang Mabuhay Fisherfolk Association mula sa Bulusan, Sorsogon.

Ang nasabing programa ng BFAR ay may layong maibsan ang mga suliranin ng mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga teknologiya, kagamitan at pasilidad sa kanilang kabuhayan.

Source: PIA Camsur Press Release

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -