Bentahan ng hamon ngayong taon bumaba

    0
    17

    Bumaba ang bentahan ng hamon ngayong taon.

    Batay ito sa ulat mula sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association kung saan nakasaad na apektado ang bentahan ng Christmas ham dahil sa African Swine Fever (ASF).

    Ayon kay Association President Steven Cua, mistula kasing hindi na interesadong bumili ang mga mamimili ng tradisyunal na ham na karaniwang inihahanda tuwing noche buena.

    Ani Cua, marami pa rin ang mga kumpanyang patuloy na namimigay ng hamon sa kanilang mga empleyado pero kakaunti lamang ang bumibili nito.

    Matatandaang, higit dalawang buwan nagkaroon ng ASF outbreak sa bansa kung saan naapektuhan ang Rizal Province at iba pang probinsiya, habang nasa higit 100,000 baboy naman ang naapektuhan.