Baguio City – Ang Benguet Electric Cooperative (BENECO) ay patuloy sa pagtugon sa kanyang mandato ng pagbibigay ng mabuting serbisyo at ang paghahatid ng kuryente sa mga sitios hangang sa pinakaliblib o kasulok sulukan ng mga barangay sa probinsiya ng Benguet.
Sa pagdiririwang ng ika 50 taong ng paghahatid ng pagbabahagi ng serbisyo ng kuryente, sa ngayon ay tumitingin sa panghinaharap para sa matibay na ugnayan ng mga gumagmit ng serbisyo nito. Â
Sa loob ng 50 taon bilang isang power distribution utility, BENECO ay mayroon ng kabuang 228,479 metered accounts, at karamihan dito ay nasa residential areas na may 212,654 metered accounts ay isa nang maituturing na tagumpay.
Ang BENECO ay isa sa mga electric cooperatives na nagbibigay ng pinakamamabang singil sa kuryente. As of September 2023, ang singil nito ay 10.0762 bawat kilowatt at ibinababa pa nito sa P10.0032 per kilowatt ngayong buwan ng Oktubre.
Sa kaugnay na balita, bilang pagdiririwang ng Benguet Electric Cooperative sa ika 50 taong pagkakatatag nito, may isasagawang pagtanggal ng tabing o unveiling of the marker sa gusali nito sa South Drive at maging ang pagbabas rin nito bilang parangal sa dating namayapang General Manager Gerardo P. Verzosa.
Ang ibang paparangalan ay ang Baguio Correspondence and Broadcasters Club o ang BCBC ang mga grupo at mga tao na nagbahagi sa paglago ng Benguet Electric Cooperative ay kikilalanin din sa pamamagitan ng isang pagtitipontipon sa South Drive -ang punong tanggapan ng Beneco sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of BENECO)