31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Belly dancer sa Egypt kulong ng 3 taon dahil sa malalaswang Tiktok videos

- Advertisement -

Pinatawan ng tatlong taong pagkakakulong at multa na nagkakahalaga ng 300,000 Egyptian pounds o 18,500 U.S. dollars ang isang sikat na belly-dancer sa Egypt dahil sa umano’y malalaswa nitong mga post sa social media.

Sinasabing ang 42-anyos na si Sama el-Masry ay inaresto noong Abril dahil sa mga mahahalay nitong post, kabilang ang ilang video sa Tiktok.

Ayon sa korte, nilabag ni el-Masry ang family principles at values sa Egypt bunsod ng mga post ng dancer na inilarawan din ng prosekusyon na “sexually suggestive.”

Idinepensa naman ni El-Masry na ninakaw ang kanyang cellphone at hindi siya ang nagpost ng mga nabanggit na larawan at videos kaya’t nangako siyang i-aapela niya ang kanyang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -