BCPO Director Bulyawan Jr. nanguna sa pagpupulong ukol sa pagresolba ng pagsikip ng trapiko sa Baguio

0
4
photo courtesy of BCPO

Baguio City – Pinangunahan ni BCPO City Director, PCol. Francisco Bulwayan Jr., ang pagpupulong na kasama si City Mayor Benjamin B. Magalong at ang mga transport groups na gumagamit sa kahabaan ng Otek and Shagem Street, lungsod ng Baguio noong Lunes Mayo a 27, 2024 sa BCPO, Kapanalig Hall, upang maibsan ang paglala ng trapiko sa lungsod.

Sumama rin sa pagpupulong sila PLTCol. Zacarias Caloy Dausen, Chief Traffic Enforcement Unit; si PMAJ. Lee Alvin Alinao, Police substation 7 Commander; at ang mga kinatawan mula sa Public Safety and Order Division at City Engineering Office-Traffic and Transportation Management Division of the Local Government Unit.

Napag-usapan sa pagpupulong ang mga isyu at problema ng magkabilang panig, ang mga tagapagpatupad ng batas at ang mga opisyal ng Public Utility Jeepney Association officers.

Sa pagtatapos ng pagpupulong, binigyang diin ni City Police Director Police Col. Bulwayan, Jr. ang kahalagahan ng pagtutulungan at disiplina ng mga transport groups upang epektibong maipatupad ang ordinansiya at mapamahalaan ang trapiko sa loob ng lugar. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply