Bawat kongresista tatanggap ng P100-M

0
12

Iginiit ni Albay Representative Joey Salceda na itemized at walang insertion ang proposed 4.1- T 2020 national budget.

Ito ay matapos ang kanyang ginawang pagbubunyag na mayroong matatanggap na 100-M ang bawat kongresista.

Pagtitiyak ni Salceda, walang lump sum money, insertion at pork barrel sa budget ngayong taon.

Samantala, tatangkain naman ng Kamara na maipasa ang budget sa pagsalang nito sa ikatlo at huling pagdinig ngayong araw. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)