Bawas-singil sa kuryente asahan ngayong Hunyo

0
41

Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hunyo.

Sa inilabas na anunsyo ng Meralco, P0.19 kada kilowatt hour ang matatapyas sa bill ng kuryente ngayong Hunyo.

Mangangahulugan ito ng P38 na bawas sa bill ng mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

P57 naman ang mababawas sa mga may konsumong 300 kilowatt hour kada buwan, P76 sa mga 400 kilowatt hour ang konsumo at P95 sa mga may konsumong 500 kilowatt hour.