Bawas presyo sa petrolyo ipapatupad ngayong linggo

0
47

Magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Batay sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, epektibo 6 ng umaga bukas, Martes, kanilang ipatutupad ang diyes sentimos na bawas presyo sa kada litro ng gasolina at diesel.

Habang nag-anunsyo naman ng diyes sentimos kada litro na taas presyo sa kanilang kerosene ang shell.

Samantala, una nang nagpatupad ng kaltas na 15 sentimos kada litro sa diesel at bente sentimos kada litro sa gasolina ang clean fuel kahapon ng alas kuwatro ng hapon.