Bawal magtext o bumasa ng cellphone habang lumalakad sa daang sa Baguio City

0
21

Baguio City – Inaprubahan ng konseho ng Lungsod ng Baguio sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang ordinansiya na naglalayong baguhin o ibahin ang ilang probisyon ng City Ordinance No. 49 series of 2019 na naglalayon ipagbawal at mapangalagaan ang paggamit ng mobile devices at ang kahintulad nito habang naglalakad o tumatawid ng kalsada o lumalakad sa mga bangketa sa suidad ng Baguio.

Ang pagbabago ng prohibisyon ng una nitong ordinansiya na isama ang paggamit ng mobile devices o ng cellphone sa pagtititext o pagbasa ng mensahe sa text habang tumatawid sa crossing o tawiran o sa kalsada o bangketa nakabalam sa ibang tumatawid sa kalsada at ang hindi kabilang dito ang taong nakahinto at gumilid sa bangketa at hindi nakakaharangsa mga taong naglalakad ay hindi maaring sabihin na lumabag sa ordinansiya.

Bilang karagdagan, ang parusa at multa sa mga lalabag sa naturang batas ay mababago din.

Sa unang paglabag ay maaring pagsabihan ng pulis o ng kinatawan ng POSD at ang ikawalang paglabag ay maaring humantong sa 10 araw ng serbisyong pangkommunidad.

Samantala, inatasan din ng panukalang batas ang City Buildings and Architecture office na ihanda ang mga karatula na ilalagay sa mga parke o pasyalan, bus terminal na magbibigay babala sa mga turista at maging ng mga taga baguio patukol sa Anti-destructed ordinance o pagbabawal ng paggamit ng cellphone sa pampublikong lugar lalo na kung naglalakad sa kalsada at bangketa ng lungsod na maaring makatengga ng ibang naglalakad o pedestrians.

Kung inyong matatandaan ang City Ordinance No. 49 series of 2019 na mas kilala bilang Anti-destructed walking ordinance ay ipinasa at naging ganap na batas noong panahon ni dating Mayor Mauricio Domogan.

Ang nasabing batas ay nagkaroon ng negatibong reaksyon mula sa publiko na ang tawag sa cellphone ay nangangailangan ng agarang pagsagot at akmang pagtalima. (Joel Cervantes/Jim Bernabe, photo courtesy of Baguio Information Office)

Leave a Reply