Bathan nag-sorry na sa reporter na hinablutan ng cellphone sa kasagsagan ng Traslacion

0
16

Humingi na ng paumanhin si Southern Police District (SPD) Chief Brig. General Nolasco Bathan kay GMA news reporter Jun Veneracion.

Ayon kay Bathan, napagkamalan lamang niya si Veneracion na kasama ng mga nagkakagulong deboto kaya’t nagawa niyang kunin ang cellphone ng nasabing reporter.

Gayunman, sinabi naman ni Bathan na dala na rin aniya ng pagod, dami ng tao at tindi ng sitwasyon kaya niya ito nagawa.

Sa ngayon inatasan na naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang regional internal affairs service na imbestigahan ang naturang insidente.