Batang positibo sa polio virus, posibleng nagkaroon ng tigdas bago mabakunahan — DOH

0
14

Maaaring nagkaroon ng measles ang isang bata bago magpositibo sa polio virus.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III, kaugnay sa tatlong gulang na batang lalaki na nakasakit ng polio sa Quezon City.

Paliwanag ni Duque, mayroon nang pag-aaral na kapag nagkaroon ng measles ang isang bata ay nawawala ang mga antibodies nito dahilan para makakuha ng sakit na polio kahit na mayroon na itong anti-polio vaccine.

Na kapag nagkaroon ng measles ang isang bata posibleng ma-wipe out ang mga anti-bodies niya na-develop from either a wild infection or from immunization, merong ganung tinatawag na immune amnesia,” ani Duque.

Samantala, nakikita rin ni Duque na solusyon sa naturang problema ang round 4 immunization sa Quezon City at hindi ito ititigil hangga’t hindi nararating ang 95% pataas.

Ang solusyon dito magpapa-round 4 tayo ng immunization dito sa Quezon City at hangga’t hindi natin marating yung 95% and above at hindi tapos ang trabaho,” ani Duque. — panayam mula sa Ratsada Balita.