35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Batanes nakahanda na sa inaasahang hagupit ng bagyong ‘Ompong’

- Advertisement -

Nakahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng Batanes para sa inaasahang pananalasa ng nagbabantang super typhoon Mangkhut na tatawaging bagyong Ompong oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa tinatahak na direksyon ng bagyo, ang Batanes ang inaasahang isa sa mga direktang tatamaan ng naturang super typhoon.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Batanes Governor Marilou Cayco, naka-red alert na ang kanilang lalawigan habang naka-preposition na rin aniya ang mga relief goods.

Maliban dito, nakapagsimula na rin ang pamahalaang lokal na makapamahagi ng non-food items sa kanilang mga mamamayan.

“Ngayon lalo kagabi ay umuulan na po dito, ngayon makulimlim na palatandaan na talagang dadaan dito ang bagyo pero pinapanalangin naming n asana ay lumihis itong bagyong Ompong.” Ani Cayco

Samantala, sinabi ni Cayco na landslides at pagbaha ang idinulot naman sa kanila ng nagdaang bagyong Neneng.

“Napakalakas po ng ulan at nagkaroon ng mga landslides sa ilang lugar ditto at kahapon na-clear na po natin ang mga affected areas, tumaas din ang tubig sa mga creek ngunit hindi naman nag-overflow.” Pahayag ni Cayco

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -