Basura hiniling na dapat mabawasan sa Baguio City

0
15

Baguio City – Binigyang diin ni Mayor Benjamin Magalong na ang P230 milyong piso na ginagastos ng lungsod taon taon sa paghahakot ng basura upang dalhin ito sa kapatagan ay maaring magamit sa programa tulad ng child development, kabuhayan at sa pangangalaga sa kalusugan, Edukasyon, social services, infrastructure at sa iba pa.

Ito ang sinabi ni Mayor Benjamin Magalong sa kanyang pangunahing mensahe sa pagbubukas na programa sa Eco-waste and Sustainability Expo, noong Viernes Septembre a 15 sa People’s Park.

Anya ito ay isang hamon sa atin na dapat itapon sa dapat kalagyan at humanap ng paraan upang pamahalaan ang ating mga basura. Sinabi niya kailangan ang disiplina tulad ng muling paggamit, ang pagsasaayos, at kung maari pang gamitin bilang gamit at ang mga ito ay maaring makabawas ng basura.

Pinag-iisipan din ni Mayor Magalong na magkaroon ng minsan sa isang buwan ng Eco Waste Expo upang hikayatin ang Sambahayan na magbawas, magrecycle at magpalitan ng mga gamit sa pamamagitan ng tulong mula sa City Environment and Parks Management Office (CEPMO), General Services Office (GSO) at ng iba pang mga ahensiya ng gobierno. (Joel Cervantes/Jim Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)

Leave a Reply