31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Barkong pandigma ng Russia dumaong sa Maynila para sa 5-day visit

- Advertisement -

Dumaong na sa pantalan ng Maynila ang tatlong barkong pandigma ng Russia para sa limang araw na goodwill visit.

Ayon sa Philippine Navy, kaninang umaga dumating ang anti-submarine ship na Admiral Pantellev, guided missile cruiser Varyag at sea tanker Boris Botuma.

Magtatagal ang naturang mga barko hanggang Enero 11 na kauna-unahang pagbisita ng mga ito para sa taong 2019 at pang pitong beses naman mula noong 2012.

Layon ng nasabing pagbisita na paigtingin pa ang relasyon sa pagitan ng Russia at Pilipinas partikular na sa maritime at navy strategies.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -