Barkong binangga ng Chinese vessel sa Recto bank muling lalayag matapos ang pagsasaayos

0
31

Muling magbabalik karagatan ang F/b Gem Ver, ang barko ng 22 Pilipinong mangingisda na binangga ng isang chinese vessel sa Recto bank.

Ito ay matapos ng limang buwang pagsasaayos sa nabanggit na barkong pangisda kasunod ng insident.

Gayunman hindi na kasama sa paglalayag ng F/b Gem Ver ang dati nitong kapitan na si Junel Insigne.

Ayon naman kay Ecoterio Cerillo, isa sa 22 mangingisdang inabandona ng Chinese vessel, umaasa siyang hindi na mauulit pang muli ang kanilang naranasan noong Hunyo.

Samantala, tiniyak naman ng may-ari ng F/b Gem Ver na si Felix Dela Torre, may natutunan ang kanyang mga mangingisda sa pangyayari at tiniyak na aniya ng mga ito na hindi na magiging kampante pa sa paglalayag.