Thursday, May 2, 2024

Barangay tanod patay sa pamamaril sa Maynila

- Advertisement -

Patay ang isang barangay tanod matapos na barilin ng isang hindi kilalang salarin sa Parola Compound, Maynila.

Ayon sa Manila Police District Homicide Division, pinatay ang biktimang si Dario Habal, isang executive officer sa Barangay 275, sa harap mismo ng kanyang tindahan.

Agad na tumakas ang salarin habang isinugod naman sa Gat Andres Hospital ang biktima kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img