Barangay Bagong Silangan sa Quezon City isinailalim sa hard lockdown

0
13

Isinailalim na sa hard lockdown ang barangay Bagong Silangan sa Quezon City.

Epektibo kaninang 5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng umaga bukas ang lockdown sa nasabing lugar.

Ang pagpapatupad ng lockdown na ito ay dahil sa dumaraming kaso ng paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) sa lugar.

Dahil dito, pansamantala munang suspendido ang mga quarantine pass sa lugar habang umiiral ang lockdown at tanging ang mga frontliners muna ang maaring makalabas ng kanilang mga tahanan.