Friday, May 3, 2024

Barangay 815 sa Sampaloc isasailalim sa lockdown

- Advertisement -

Dalawang araw na isasailalim sa total lockdown ang barangay 815 sa Paco, Maynila simula Sabado hanggang Linggo.

Ito ay bunsod ng pagtaas sa naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nabanggit na barangay.

Sa ilalim nito, tanging ang mga frontliners at medical health workers lamang na residente ng barangay ang papayagang makalabas.

Sarado rin ang lahat ng tindahan sa barangay 815 sa loob ng dalawang araw.

Samantala, kasabay ng total lockdown, ipatutuad naman ang puspusang contact tracing sa lugar para matukoy ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img