Bantang kulong ni Pangulong Duterte sa mga Kritiko binatikos

0
42

Umani ng negatibong reaksyon mula sa ilang mambabatas at eksperto ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong niya ang sinumang susubok na ipa-impeach siya.

Ayon kay Ateneo School of Government Professor Lutgardo Barbo, bagama’t naniniwala siyang biro lang ang sinabi ng Presidente, binigyang diin niya na karapatan naman ng sinumang pilipino na magsampa ng Impeachment Complaint.

Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya ang Pangulong Duterte sa iginiit ng mga kritiko na Impeachable Offense ang pagpayag niya sa pangingisda ng mga Tsino sa Exclusive Economic Zone o E.E.Z. ng Pilipinas.

Subalit sinabi ni Barbo na kung seryoso ang punong ehekutibo sa kanyang banta, dapat ay may arrest warrant muna ang korte bago magsagawa ng pag-aresto.