Banta ni Pangulong Duterte na sususpindihin ang writ of habeas corpus huwag masamain — Pimentel

0
46

Hindi dapat masamain ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ito ng revolutionary war, at pagsuspindi sa writ of habeas corpus.

Ito ang naging reaksiyon ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, hinggil sa matapang na bantang binitiwan ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Senador, wala siyang nakikitang mali sa naging pahayag na ito ng pangulo dahil tiwala siyang nais lamang nitong matiyak na mapo-protektahan ang interes ng mga Pilipino.

Matatandaang, ibinabala ni Pangulong Duterte ang deklarasyon ng revolutionary war at suspensiyon ng writ of habeas corpus matapos sabihin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat mag hinay-hinay ang pangulo sa pag-repaso ng mga kontrata ng gobyerno.

Paliwanag ni Pimentel, patunay lamang ito na nais lamang ng pangulo na masiguro na maayos ang mga kasunduan na pinasok ng pamahalaan sa mga pribadong kumpanya.

“Sinabi naman ng Presidente sa Palawan, he did not actually suspend so hayaan na natin yung nasabi ni President Duterte because he did not actually suspend. Pero ang nakuha ko sa kanyang sinasabi, bakit mo ko sasabihan na mag hinay-hinay na hindi iimplement kung may nakitang isang provision sa isang agreement na hindi maganda para sa interes ng Pilipinas? ‘Yun naman yung context ng sinabi niya. Huwag na tayo mag-alala sa sinabi niya kasi hindi naman niya actually sinuspend.” Pahayag ni Sen. Pimentel.

Interview from Usapang Senado