29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Banta ng magma sa Taal nananatili —Solidum

- Advertisement -

Nananatili ang banta ng magma sa Bulkang Taal kahit na ibinaba na sa Alert Level 3 ang estado ng bulkan.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, posibleng ibalik nila sa mas mataas na alert level ang Taal Volcano o ibaba pa sa Alert Level 2 –depende sa magiging aktibidad nito sa mga susunod na araw.

Sa harap nito, pinayuhan ni Solidum ang mga Local Government Units sa Batangas na tiyaking mayroon silang nakalatag na evacuation plan sakaling magbago ang kundisyon ng bulkan.

Nasa 7-kilometers na lamang ngayon, mula sa 14-kilometers, ang danger zone matapos ibaba sa Alert Level 3 ang estado ng bulkan.

Sa 7-kilometer danger zone, maaari pa ring maapektuhan sakaling sumabog ng mahina ang Bulkang Taal,” ani Solidum.

Sa kabila ng pananahimik sa ngayon ng Bulkang Taal, pinayuhan ni Solidum ang pamahalaan na pag-aralan o tingnan kung nararapat talagang tirhan ang iba pang lugar sa paligid ng lawa ng Taal. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -