Friday, May 17, 2024

Bangkay ng nawawalang Engr. sa Caliraya Laguna natagpuan na

- Advertisement -

Nakita na ang bangkay ng isang Engineer sa lawa ng Caliraya sa lalawigan ng Laguna na una nang napaulat na nawawala nuong nakalipas na araw ng Martes, Hulyo 9

Batay sa ulat ng Cavinti PNP, natagupang palutang-lutang ng 2 trabahador ang katawan ng biktimang nakilalang si Engr. Jebbie Fuentez Beatriz malapit sa ginagawang Golf Course sa isang Resort na nasa Brgy. East Talaongan

Si Beatriz ang sinasabing In-Charge sa Construction Project ng DB-Israel Engineering Services sa nasabing lugar

Nakabalot pa sa kumot ang katawan ng biktima at may nakataling sako sa tagiliran nito na may lamang 5 kilong malalaking bato

Posibleng hinampas din ng martilyo sa ulo ang biktima batay sa nakitang marka rito ng mga awtoridad na sinasabing ginawa habang siya’y natutulog sa kanilang barracks

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring insidente habang pinaghahanap ang isang Augusto Barsolaso Miraya Jr na siyang Person of Interest sa krimen

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -