31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Bangkay ng isang rebelde natagpuan sa Surigao del Norte

- Advertisement -

Natagpuan ng militar ang naagnas na bangkay ng isang miyembro ng NPA o New People’s Army sa Surigao del Norte.

Kinilala itong si Rommel Tac-an alyas Jasper na nagsilbing vice commander ng isang grupo sa ilalim ng Sandatahang Platun Pampropaganda at anak ng commander ng grupo na si Jaime Tac-an.

Ayon kay 402nd Infantry Brigade Commander Brigadier General Franco Gacal, nakita ang labi ni Tac-an apat na araw matapos ang sumiklab na bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebelde sa barangay Lahi, Gigagit Surigao del Norte.

Nadiskubre aniya ito kasunod ng sumbong ng mga residente hinggil sa pag-alingasaw ng masangsang na amoy sa kanilang lugar.

Nakuha sa labi ang isang pares na bota, mataas na kalibre ng armas at mga bala.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -