Wednesday, May 8, 2024

Bangkang bumangga sa mga Filipino fishermen posibleng isa ring Chinese fishing vessel – Lorenzana

- Advertisement -

Naniniwala si Defense secretary Delfin Lorenzana na isang ring bangkang pangisda ang Chinese vessel na bumangga sa mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank.

Taliwas aniya ito sa teyorya ng mga kritiko ng pamahalaan na isang Chinese vessel ang bumanga at nagpalubog sa bangka ng mga Pilipinong mangisngisda.

Ayon kay Lorenzana, palatandaan na aniya rito ang pagkakaroon ng boom ng Chinese vessel na siyang nilalagyan ng net para sa pangingisda.

Dagdag pa ng kalihim, posibleng galing ng Hong Kong ang nasabing Chinese vessel na karaniwang nagtutungo sa naturang bahagi ng West Philippine Sea para mangisda.

Una nang iginiit ng Chinese embassy na isang uri ng fishing vessel mula Guangdong Province ang Chinese seacraft Yuemaobinyu 42212 na bumangga sa bangkang pangisda ng mga Pinoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img