Saturday, May 4, 2024

Balitang paglalabas ng resulta sa 2019 bar exams walang katotohanan — SC

- Advertisement -

Korte Suprema, nilinaw na hindi pa sa Abril 15 ilalabas ang resulta ng 2019 bar exam.

Pinasinungalingan ng Supreme Court ang bali-balitang sa Abril 15 ilalabas ang resulta ng 2019 bar exam.

Ayon kay 2019 Bar Chairperson Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, kailangan pa raw ng SC en banc na pag-usapan at pagdesisyunan ang pagsasapubliko ng naturang resulta.

Ang paglilinaw na ito ay bunsod ng mga kumakalat na balita online kaugnay sa eksaktong petsa ng paglalabas sa resulta ng 2019 bar exam.

Samantala, binigyang diin ng Korte Suprema, na tanging Public Information Office nito ang tanging opisyal na maglalabas ng dokumento at impormasyon ng resulta.

Sa panulat ni Ace Cruz.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img