28.4 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Balik normal na ang Baguio matapos ideklara ni Mayor Magalong na “Diarrhea Outbreak Over” ang Siyudad

- Advertisement -

Bagamat ang kaso ng diarrhea ay bumalik na sa normal na antas, si Mayor Benjamin Magalong at ang City Health Services Office ay nanawagan pa rin sa mga kainan at maging sa mga sambahayan ng Baguio na gumamit na lamang ng purified water o napakuluan na tubig habang ang lungsod ay gumagawa ng paraan upang ang mga deep wells at water delivery services ay sumunod sa mga panuntunan.

Anya ang paggamit ng purified o distilled water ay dapat mapanatili, kasabay nito ang pagsasagawa ng good hand hygiene at ng iba pang minimum public health standards bilang pag-iingat para sa mga taga rito at maging ng mga bisita.

Kung inyong matatandaan na ang diarrhea outbreak ay idineklara noong Enero a 10, 2024 matapos tumaas ang kaso na nagsimula noong Disyembre a 26 noong nakaraang taon at tumaas ito noong Enero a primero hanggang a 7 ng taong ito.

Matapos gawin ang hakbang pangkaligtasan ng lungsod, bumaba na ang mga kaso na nag-umpisa noong Enero a 8 at nagpatuloy nang 80 porsientong pagbaba mula sa kabuuang 1,620 kaso hanggang sa 300 kaso na lamang sa nakaraang pitong araw o mula Enero a 11 hangang 18 ng taong ito.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -