33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baldo pinagplanuhan din umanong ipapatay ang ex-mayor ng Daraga — CIDG

- Advertisement -

Pinagplanuhan din umanong ipapatay ni Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay ang dating alkalde ng nasabing bayan.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng PNP-CIDG matapos umamin ang hawak nilang saksi na si Emmanuel Jaduvar na naglaan si Baldo ng P350,000 para ipa likida si dating Mayor Gerry Jaucian.

Subalit hindi natuloy ang plano dahil ilang buwan lamang makalipas ang 2016 elections namatay si Jaucian dahil sa sakit.

Dahil sa pagkamatay ni Jaucian naging alkalde ng Daraga si Baldo na nanalong vice mayor nuong 2016.

Magugunitang si Jaduvar ang naging susi para matukoy ng PNP si Baldo na siyang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -