Balasahan sa ilang mga kawani ng LTFRB ikinasa

0
41

Binalasa ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra ang lahat ng mga cashiers sa kanilang punong tanggapan.

Habang sinibak naman sa puwesto ang mga security guards.

Ayon kay Delgra, bahagi ito ng kanilang mga hakbang para malinis mula sa katiwalian ang ahensiya.

Kasunod na rin aniya ito ng pagkakaaresto ng isa umanong fixer sa ikinasang entrapment operation ng Anti-Red Tape Act, Presidential Anti-Corruption Commission at National Bureau of Investigation sa compound ng LTFRB noong nakaraang linggo.

Maliban dito, ipinag-utos din ni Delgra sakanyang memorandum ang pagsasailalim sa lifestyle check ng lahat ng regional directors ng LTFRB.