Friday, May 17, 2024

Balasahan sa hanay ng gabinete ng pangulo asahan sa susunod na linggo

- Advertisement -

Asahan na ang balasahan sa hanay ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte habang papalapit na ang panahon ng eleksyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng nasa anim na cabinet members ang magpapasiyang tuymakbo sa halalan at maghahain na ng kanilang mga Certificate of Candidacy (COC).

Dahil aniya dito, inaasahang magtatalaga na ng mga bagong miyembro ng gabinete ang pangulo sa susunod na linggo.

Batay sa panuntunan ng Commission on Elections (COMELEC), itinuturing nang nagbitiw sa kanilang mga pwesto ang mga miyembro ng gabinete na maghahain ng kandidatura para sa eleksyon.

Kabilang sa mga sinasabing posibleng tumakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections sina Roque, Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino at Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -