Friday, May 10, 2024

Balangiga Bells hihilingin ng PH sa US na ibalik bago matapos ang taon

- Advertisement -

Hihilingin ng Pilipinas sa United States na ibalik sa bansa ang makasaysayang Balangiga Bells bago matapos ang taon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, walang dapat ipag-alinlangan na hilingin ito sa US dahil sa pag-aari ito ng Pilipinas.

Umaasa si Cayetano na magiging maayos ang pagbabalik ng naturang mga kampana bilang ito ay isa sa pinakamahalagang parte ng kasaysayan ng bansa.

Ang Balangiga Bells mula sa Eastern Samar ay kinuha ng mga sundalong Amerikano bilang tropeo matapos ang ‘Balangiga Massacre’ nuong 1901 sa Filipino-American War.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -