Monday, May 6, 2024

BAI hinikayat ang publiko na makipagtulungan sa kampaya kontra ASF

- Advertisement -

Hinikayat ng BAI  o  Bureau of Animal Industry ang publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa kampanya kontra African Swine Fever.

Ito ay makumpiska ng mga otoridad sa Clark International Airport ang ilang mga delata at produktong baboy, kung saan tatlumpu’t pito sa tatlong daang sample ang nagpositibo sa ASF.

Ayon kay BAI Spokesperson Dr. Joy Lagayan, wala pang naitalang kaso ng ASF sa bansa nguniy agad nilang bineberipika kapag mayroon silang natatanggap na ulat hinggil sa nasabing virus.

Anya, bagamat walang epekto ang naturang sakit sa mga tao, ay delikado ito sa mga baboy… na posible namang lubhang makaapekto sa hog industry.

Magugunitang, ipinatupad na ng FDA at Dept. of Agriculture ang temporary ban sa pang-aangkat ng mga produkto at karneng baboy mula sa mga bansang apektado ng ASF kabila na ang China, Belgium, at South Africa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img