Bahay ng negosyanteng nanakit sa isang traffic enforcer sinalakay ng PNP

0
48

Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng negosyanteng nam-bully sa isang traffic enforcer sa EDSA.

Bitbit ang search warrant para sa illegal possession of firearms, ni-raid ng mga awtoridad sa pangunguna ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar ang bahay ni Arnold Padilla sa barangay Magallanes sa Makati City.

Sa initial report ng NCRPO, may nakuhang caliber 45 na baril, shotgun at dalawang granada mula sa bahay ni Padilla na magugunitang nag-viral ang video kung saan sinisigaw at dinuduro nito kasama ang kaniyang live in partner nitong si Glocel Razon ang mga enforcer na sinaktan din ng kanilang tatlong bodyguards.

Si padilla ay inaresto ng mga awtoridad at dinala na sa Camp Bagong Diwa.

Una nang tumaas ang blood pressure ni Padilla na nagiit na madala sa ospital subalit kinontra ng mga awtoridad.

Ayon kay Eleazar, hindi sila kayang paikutin ni Padilla na aniya’y tiyak na magre-relax lang sa ospital kaya’t pinagamit niya ang ambulansya ng St. Luke’s Hospital para dalhin ang suspek sa Camp Bagong Diwa.


Samantala, hindi maayos ang kalusugan ng lalaking nag-viral sa video matapos duruin at sigawan ang mga traffic enforcer sa EDSA.

Ayon ito kay Atty. Raymond Fortun, abogado ni Arnold Padilla kasunod na rin nang pag-aresto rito ng mga awtoridad sa isinagawang raid sa bahay nito sa barangay Magallanes, Makati City kung saan nakuha rito ang mga hindi lisensyadong armas at granada.

Sinabi ni Fortun na nabigla at nataranta ang kaniyang kliyente sa operasyon ng mga awtoridad kaya’t tumaas ang blood pressure nito at hiniling nilang maidiretso sa ospital na hindi naman pinagbigyan ng mga awtoridad.

(Ulat ni Jill Resontoc)