Bahagi ng Skyway stage 3 bubuksan na

0
51

Asahan nang luluwag ang daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA at posibleng kayanin nang bumiyahe mula Makati hanggang Cubao ng limang minuto sa susunod na dalawang linggo.

Ito’y ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar ay dahil sa bubuksan na nila ang bahagi ng Skyway stage 3 project.

Unang bubuksan aniya ang Plaza Dilao exit na ang ibig sabihin ay madaragdagan ng apat na kilometro ang Skyway.

Ang mahigit 18 kilometrong elevated highway ang siyang magdurugtong mula sa Buendia, Makati City hanggang sa Balintawak, Quezon City.

Sa sandaling makumpleto na ang nasabing proyekto, asahang bibilis na ng 15 hanggang 20 minuto ang biyahe mula Makati patungong Balintawak at pabalik.