Bagyong ‘Sarah’ lumakas pa, ‘Ramon’ humina — PAGASA

0
19

Lumakas pa at isa na ngayong Tropical Storm ang Bagyong ‘Sarah’ habang humina naman ang Bagyong ‘Ramon’ at isa na lamang ngayong Tropical Depression.

Huling namataan kaninang 10Am ang Bagyong ‘Sarah’ sa layong 715 kilometers silangan, hilagang-silangan ng Infanta, Quezon o 640 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Kumikilos ito pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Dahil sa paglakas ng Bagyong ‘Sarah’, itinaas na ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Silangang bahagi ng Cagayan
    • Calayan
    • Aparri
    • Baggao
    • Alcala
    • Gattaran
    • Lal-lo
    • Tuguegarao City
    • Penablanca
    • Iguig
    • Amulung
    • Santa Teresita
    • Camalaniugan
    • Santa Ana
    • Gonzaga
    • Buguey at
    • Ballesteros.
  • Hilagang-silangang bahagi ng Isabela
    • Divilacan
    • Tumauini
    • Cabagan
    • Maconacon at
    • San Pablo.

Dahil dito, makararanas na mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malakas na buhos ng ulan sa mga lugar ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, at hilagang bahagi ng Ilocs Norte.

Sa Huwebes, asahan naman ang katamtaman hanggang madalas na malakas na buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil pa rin sa Bagyong ‘Sarah’.

Samantala, dahil sa paghina naman ng Bagyong ‘Ramon’, inalis na ng PAGASA ang ibang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) malipat nsa TCWS No. 1 na nananatili pa ring nakataas sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Kanlurang bahagi ng Isabela
    • Quezon
    • Mallig
    • Quirino
    • Roxas
    • San Manuel
    • Burgos
    • Aurora
    • Reina Mercedes
    • Luna
    • Cabatuan
    • San Mateo
    • Cauayan
    • Ramon
    • Alicia
    • Angadanan
    • San Isidro
    • Santiago at
    • Cordon
  • Mountain Province
  • Benguet
  • Ifugao
  • La Union
  • Pangasinan.

Dahil dito, asahan na ang mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng Batanes, Cagayan kabilang ang isla ng Babuyan, Apayao at hilagang bahagi ng Ilocos Norte.

Posible namang makaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pabugso-bugsong malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. province, Ifugao, Isabela, La Union, Benguet at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Pinapayuhan naman ang mga residente sa naturang lugar na mag-ingat sa posibleng maranasang pagbaha at pagguho ng lupa.