Thursday, May 2, 2024

Bagyong ‘Sarah’ bahagyang lumakas, magpapa-ulan sa ilang lugar sa Luzon

- Advertisement -

Bahagyang lumakas ang Severe Tropical Storm ‘Sarah’ habang kumikilos pa-kanluran, hilagang-kanluran ng Philippine Sea.

Batay sa PAGASA, mula sa taglay nitong lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, ay lumakas pa ito sa 100 kph ngayong 11AM at may pagbugsong aabot naman sa 125 kph.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 275 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.

Nakataas na lamang ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.

Inaasahan pa ring unti-unting hihina ang Bagyong ‘Sarah’ bukas o sa Sabado at tinatayang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado.

Samantala, huli namang namataan ang ngayo’y Low Pressure Area (LPA) na lamang na Bagyong ‘Ramon’ sa layong 225 kilometers, kanluran, timog-kanluran ng Subic, Zambales.

Makararanas naman ngayong araw ng Huwebes ng mahina hanggang katamtaman na may pulo-pulong malakas na buhos ng ulan sa Isabela, Cagayan partikular na sa eastern section nito, Aurora at northern Quezon dahil sa buntot naman ng Bagyong ‘Sarah’.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img