28.4 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Bagyong Queenie napanatili ang lakas

- Advertisement -

Napanatili ng bagyong Queenie ang lakas nito habang kumikilos pa hilagang-kanluran.

Ayon sa PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 875 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 245 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong pa-hilagang kanluran.

Hindi naman inaasahan ang pagtama ng bagyo sa kalupaan.

Gayunman posible pa rin itong magdala ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Biyernes ng umaga.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -