34.9 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Bagyong Paeng nasa loob na ng PAR

- Advertisement -

Ganap nang nakapasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na Trami kaya’t tinawag na itong Bagyong Paeng ng PAGASA.

Batay sa pinakahuling tala ng weather bureau, namataan ang Bagyong Paeng sa layong 1,260 kilometro silangan ng Gitnang Luzon.

Lumakas pa ang naturang bagyo bilang isang typhoon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 1,200 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 145 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang Bagyong Paeng sa bilis na 25 kilometro bawat oras sa direksyong pa-kanluran hilagang kanluran kaya’t wala naman itong magiging direktang epekto sa bansa maliban na lamang sa bahagi ng Batanes.

Inaasahan namang nasa layong 1,050 kilometro silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan ang Bagyong Paeng bukas ng umaga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -